Rescue operations kasalukuyan pa rin sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Nov. 14 (PIA) - - Pahirapan man ang search and rescue operation sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa taas ng baha at lakas ng ragasa ng tubig sa ilang mga lugar sa lungsod, patuloy pa rin ang buong pwersa ng mga kawani ng CDRRMO, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Marines, Bureau of Fire and Protection at iba pa.

Ayon kay City DRRM Officer Soledad Sap ilang araw na silang nagsasagawa ng rescue operations sa lungsod, gayonman marami ang nagulat sa tindi ng baha dahil may mga lugar na hindi naman nababaha noon pero inabot ng tubig baha ngayon.

“Base sa ating mga reports, yung mga barangay na hindi binabaha yun ang pinasukan din ng mga tubig baha na talagang rumagasa kasi after few hours umaabot na sa loob ng bayhay nila, hindi na sila makalabas dahil hindi nila akalain na yung mga baha na andun lang sa mga garahe nila, sa mga talampakan nila e biglang after few hours ay nasa tuhod na nila," pahayag ni Sap.

Pahirapan din ang pagkuha ng mga reports dahil may mga lugar na walang suplay ng kuryente, walang linya ng komunikasyon at walang internet ngunit ayon kay Sap ginagawa ng lokal na pamahalaan ang makakaya nito para ma-rescue lahat ang kailangang i-rescue.

Ayon naman kay Provincial DRRM Officer, siyam na ang namatay sa buong Cagayan dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa. May tatlong nasugatan at dalawa ang nakuryente na isinugod sa ospital.

Ayon din kay Governor Manuel Mamba umabot na 1, 777 na ektarya ng mga palay, mais at gulay ang nasira ng dahil sa bagyo at pagbaha.

Sa ngayon, dalawang gates na lang ang bukas sa Magat Dam, pero ayon sa mga opsiyal mabagal ang pagabab ng tubig kayat marami pa rin ang lubog sa tubig baha. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments