Valenzuela LGU, nakapagtala ng zero casualty, zero damage sa bagyong Rolly 

LUNGSOD CALOOCAN, Nov. 2 (PIA) -- Ibinalita ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na nakapagtala ang lungsod ng zero injuries, zero casualties, at zero damage sa pagdaan ng Bagyong Rolly sa bansa.

Sa ulat ng Radyo ng Bayan 738 kHz ngayong araw, sinabi ng alkalde na nakauwi na rin ang ang lahat ng evacuees ngayong araw.

Tinatayang nasa 150 pamilya ang naunang inilikas kahapon na nakatira sa mabababang lugar, aniya.

Pinasalamantan rin ni Mayor Gatchalian ang lahat ng Valenzuelano na nakinig sa babala ng lokal na pamahalaan at sineryoso ang banta ng bagyo.

Sa ngayon ay nagsasagawa na lamang ng clean up operation ang lokal na pamahalaan sa mga nabuwal na puno sa kalsada. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments