Tagalog News: Marinduque, niyanig ng M1.7 na lindol sa araw ng Pasko

Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa layong 13.19 kilometro hilagang silangan ng Buenavista, Marinduque. (Larawan mula sa DOST-Phivolcs)

BUENAVISTA, Marinduque, Dis 25 (PIA) -- Niyanig ng magnitude 1.7 na lindol ang lalawigan ng Marinduque bandang 6:42 ng gabi ngayong Biyernes, araw ng Pasko.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter nito sa layong 13.19 kilometro hilagang silangan ng Buenavista, Marinduque.

May lalim itong 18 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahan na aftershocks ang Phivolcs. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments