Tagalog News: Mga batang Dumagat sa Bulacan, nakinabang sa outreach program 

LUNGSOD NG MALOLOS, Disyembre 2 (PIA) -- Nakinabang ang mga batang Dumagat sa Barangay San Lorenzo, bayan ng Norzagaray sa isinagawang outreach program.

Magkatuwang na namahagi ng school supplies ang Lady Pipay, National Commission on Indigenous Peoples at Army 48th Infantry Battalion o 48th IB sa may 150 mag-aaral ng Dike-Adwis Elementary School sa Sitio Manalo.

Nakinabang ang mga batang Dumagat sa Barangay San Lorenzo, bayan ng Norzagaray sa isinagawang outreach program. (Army 48th Infantry Battalion)

Bukod dito, may 150 relief packs na naglalaman ng bigas, noodles, delata, gatas, kape at biskwit ang ipinamahagi sa may 150 pamilyang Dumagat 

Sa isang pahayag, sinabi ni 48th IB commander Lt.Col. Felix Emeterio Valdez na laging naka suporta ang kasundaluhan upang panatilihin ang kapayapaan sa mga katutubo at ang ganitong gawain ay bahagi ng Sectoral Unification, Capacity Building and Empowerment Cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. (CLJD/VFC-PIA 3)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments