Business One-Stop Shop ng Pasig, binuksan sa Ayala Malls The 30th

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagbubukas ng B.O.S.S. o Business One-Stop Shop para sa pagpoproseso ng mga negosyo sa lungsod.

LUNGSOD PASIG, Enero 6 (PIA) -- Inanunsyo nitong Lunes ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagbubukas ng Business One-Stop Shop (B.O.S.S.) sa Ayala Malls The 30th sa lungsod na maglalapit sa serbisyo ng lokal na pamahalaan sa tao.

Sa ginanap na Laging Handa Public Briefing ng Presidential Communications Operations Office, ibinahagi ni Mayor Vico ang pagbubukas ng ikalawang one-stop shop ng lungsod.

Naunang pinangunahan ni Sotto ang pagbubukas ng BOSS na tutulong mapadali ang business transaction sa city hall ng mga nagnenegosyo.

Ayon kay Sotto, layunin ng bagong bukas na business one stop shop ay ma-decongest ang mga tao na magtutungo sa city hall.

 Idinagdag pa ng alkalde na may diskwento rin para sa mga magbabayad ng mas maaga ng kanilang buwis at pinag-aaralan din aniya ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay palugit para sa amnesty bilang pag-alalay sa mga lokal na negosyante ng lungsod na naapektuhan ng pandemya.

“We will do everything that we can to make things easier, to make things more convenient for our businesses in Pasig City,” pahayag ni Sotto.

Ang Ayala Malls The 30th ay matatagpuan sa Ortigas sa Pasig, ang central business district ng lungsod. (PIA-NCR)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments