Tagalog News: Road clearing operations patuloy na isinasagawa sa Boac

Bilang bahagi ng road clearing operations. pinunturahan din ang mga kanto ng sidewalks upang magbigay ng maayos na impormasyon sa publiko na ang nasabing mga lugar ay bahagi ng daanan ng mga tao at hindi dapat maging paradahan ng sasakyan o maging pwesto ng mga ambulant o illegal vendors. (Larawan mula sa Boac Market Office)

BOAC, Marinduque, Enero 29 (PIA) -- Patuloy ang isinagawang road clearing operation ng lokal na pamahalaan ng Boac sa mga pangunahing lansangan sa poblacion.

Kamakailan ay mismong si Mayor Armi DC. Carrion kasama ang ilang mga opisyales ng Boac LGU ang nag-ikot sa kabayanan para tiyakin na sinusunod ng mga mamamayan ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na linisin ang mga nakaharang sa right of way ng kalsada at bangketa.

Pininturahan din ang mga kanto ng sidewalks upang magbigay ng maayos na impormasyon sa publiko na ang nasabing mga lugar ay bahagi ng daanan ng mga tao at hindi dapat maging paradahan ng sasakyan o maging pwesto ng mga ambulant o illegal vendors.

Samantala, pinalawig ang deadline ng road clearing operation hanggang Pebrero 15 para bigyan daan ang mas importanteng tinututukan ng mga lokal na pamahalaan na pagbabalangkas o pagbuo ng COVID-19 local vaccination plan.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ito na aniya ang pinakahuling ekstensyon na itatakda ng kagawaran sa road clearing timeline.

Dagdag pa ni Malaya, ang validation period sa compliance ng LGU sa road clearing ay magsisimula naman sa Marso 2. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments