LUNGSOD CALOOCAN, Peb. 2 (PIA) – Sa gitna ng mga alegasyon na may anomalya sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19, at agam-agam sa maaaring pagkabalam ng pagdating ng mga bakuna, umapela ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayang Filipino na ibigay ang tiwala sa pamahalaan.
Ito ay kaugnay din ng balitang namonopolya na ng mayayamang bansa ang pagbili ng karamihan sa bakuna.
“Huwag maniniwala, just stick with Gen;. Galvez. Don’t ignore him and believe the others. Meron tayong pambayad. Ang World Bank(WB) at Asian Development (ADB) ay magpapahiram sa atin upang ibayad sa vaccine. Yung mga presyo ay haggling lang at eventually ay magtataper off din yan into a uniformity of prices,” pahayag ng Pangulong Duterte sa isinagawang “Kumusta Po Bayan Ko” kagabi.
Kaniyang muling sininabi na ang perang pambili ay hindi hawak ni Secretary Galvez. Aniya pa, hindi rin ito hawak ng mga taong inuutusan niyang gumawa ng pormula kung paano makakakuha ng bakuna. Pagdidiin niya, “Ang may hawak ng pera ay ang bangko. Ang sinasabing bilyon ay nasa World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB). Pag meron na tayo, dadaan kay Finance Sec. Dominguez for scrutiny bago isumite sa ADB at WB.”
Binasa rin ng Pangulo ang ballita sa News round up on International Affairs na nagsasabing inirekomenda ng European medicine regulators noong nakaraang Biyernes ang awtorisasyon sa paggamit ng bakunang Astra Zeneca na bakuna na siyang gagamitin ng 27 nilang miembro. Nakasaad din sa balitang iyon ang mga atake sa pagkabalam ng dating ng kanilang inaasahang bakuna.
Kasama rin sa balita ang paglunsad ng European Union Commission noong Biyernes ng using mekanismo upang mamonitor at mga pagkakataong ng bakuna palabras ng Europe dahil sa mga agam-agam na maaaring hindi mapunuan ng mga kumpanya nag bakuna ang kanilang pangangailang.
“Meron tayong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) pero hindi ito kasing powerful ng European Union,” pagdidiin ng Pangulo.
“Maraming hakahaka, at tsismis, may mga desperado na kung anong nangyayari sa gobyerno, ang problema ng COVID ay hindi madali. Ang greatest disadvantage natin ay hindi tayo mayaman at ang pagbili ay labanan, kung sino ang highest bidder, makabayad ng una, makadeposito na, at lalo na kung ang bansang iyon ang humihingi ng supply ng vaccine ay nasa bansang iyon located, mauuna talaga sa kanila,” ito ang pagdidiin ng Pangulo .
Samantala, sa ibinigay na update ni, “By 2nd week ng Pebrero, we're trying to come up with supply agreement with vaccine manufacturers and trying to include two other manufacturers. We're expecting 146 to 148 doses excluding COVAX where we are expecting 40M doses.”
Ipinaliwanag naman ni Finance Secretary Sonny Dominguez ang dahilan kung ilan ang mga Filipinong mababakunahan, kung bakit at ang dahilan ng halagang gagamitin Sinabi niyang tatlong approaches ang ginagawa ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna. Ang mga ito ay upang masigurong 100% ng adult na populasyon ay mabakunahan. Ang mga ito ay: ang multilateral w/ ADB, Asian Infrastructure Bank at COVAX- isang world health organization na aktibidad na nagbibigay bakuna sa mahihirap na bansa. .ang pangalawa ay ang partnership sa pribadong sektor, at, ang partnership sa mga lokal na pamahalaan (LGU). Aniya pa, ang mga approaches na ito ay independent pero coordinated para masigurong mabakunahan ang 100% na adult population.
Kaniya ring inuulat na ang national multi-lateral approach ng pamahalaan ay may badyet na $1.38B mula sa World Bank, ADB at Asian Infrastructure Investment Bank. Meron pang pondo sa suppliers ng COVAX para sa kabuuang 106 M doses ng bakuna na may halagang $1.2B, at karagadagang 40M doses sa ilalim ng COVAX. Ang ating kontribusyon sa COVAX para sa 40M doses ay $84M lamang. Ang 146M doses ay makapagbibigay bakuna sa 76M na mga adult na sobra pa sa 100% bilang ng adult population.
Ang mga hindi naman mababakunahan na may edad 1 hanggang 18 taong gulang ay aabot sa 40M. Ang babakunahan ay mga 70M pero ang negosasyon ng pamahalaan ay abot sa 92M dahil sa mga slippage at pagkabalam na maaring mangyari. Ang mga ito ay hindi kasalanan ng pamahalaan, ito ay sa panig ng manufacturing.
Ang mga bakuna naman na bibilhin ay Astra Zeneca, Pfizer, Novovax, Moderna,Johnson and Johnson at Sinovax.
Ayon naman kay Vaccine Czar Sec, Carlito Galvez ang roll-out ng bakuna ay sa kalagitnaan ng Pebrero. Nagpasalamat siya sa World Health Organization (WHO) sa pagtupad ng pangakong 117,000 doses mula sa Pfizer na ibibigay nang isang tranche para sa mga medical workers. Ang Astra Zeneca naman ay magbibigay ng 5.5 M hanggang 9.2M na maaari pang iakyat kung mabilis tayong makapagroll-out.
Ang mangyayaring roll-out naman ay ganito: Mauuna ang mga healath worker dahil sila ang pinakabulnerable. Kasama na rin nila ang uniformed personnel na mangangalaga sa kanila sa pagbabakuna kaya bulnerable din. Sa 2nd quarter, ay ang mga drivers, manggagawa sa mga food industry, manggagawa sa mga social services, at life support services na iniriekomenda rin ng mga LGUs.
Ang full roll-out ay magaganap sa third at fourth quarter. Mga 30 hanggang 40 milyon doses ang ating inaasahan sa bawat quarter at kasama na dito ang Serum Institute of India na itinuturing na haven of world pharmaceutical companies.
“I hope this will clear up the fog, the mist in the minds of some people who are fast to condemn or ask questions. Hinihiling kong patapusin niyo muna kami. If there's a liability in one, there will be a liability in all. If there's anomaly in the start, verily at the end of whatever project undertaken there will be anomaly,” ang huling pangungusap ng Pangulo. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments