Tagalog News: Asian Terminals Inc. naglaan ng 2,000 sqm sa Manila South Harbor para sa ACEA

LUNGSOD CALOOCAN, Peb. 2 (PIA) -- Naglaan ang Asian Terminal Inc. (ATI) at Philippine Ports Authority (PPA) ng 2000-square meter na sukat ng lupa sa loob ng South Harbor, Manila para magamit ng Agricultural Commodity Examination Area (ACEA).

Ang nasabing laki ng lupa ay inaasahang maglalaman ng anim na examination areas na gagamitin ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Bureau of Plant Industry (BPI) upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga refrigerated cargoes na naglalaman ng produktong pang-agrikultura mula sa ibang bansa.

Nauna itong ininspeksyon at inaral ng MAG Materials & Soil Testing Corp. noong Enero 2021.

Ang eksaminasyon na ito ay kailangan upang pigilan ang pagpasok at paglaganap ng sakit at peste sa mga hayop, lamang dagat at mga halaman sa Pilipinas.

Bukod sa examination area, ang ACEA ay magkakaroon din ng laboratoryo upang matiyak ang kalidad ng mga inangkat na produkto at krematoryo para naman sa maayos na pagdidispose ng mga produktong nakumpiska.

Ang ACEA ay prayoridad na proyekto ng Duterte administrasyon na naglalayong pangalagaan ang lokal na industriya ng pagsasaka sa bansa. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments