Tagalog News: Libreng kasalan, handog ng Bambang LGU

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Feb. 22 (PIA) - Magsasagawa ng isang libreng kasalan sa bayan ang lokal na pamahalaan upang maisa-legal ang mga pagsasama ng mga magkasintahan.

Ayon kay Municipal Civil Registrar Ginang Estrella Velez, ang mass wedding ay handog ng lokal na pamahalaan ngayong Civil Registration Month.

"Ito ay taunang isinasagawa ng ating LGU sa pamumuno ni Mayor Pepito Balgos kung saan mabibigyan ng legal na kasal ang mga nagsasamang magkasintahan ngunit hindi kaya ang gastos sa isang marangal na kasal," pahayag ni  Velez.

Dagdag nito na 25 na magkasintahan at dalawang pares ng ninong at ninang lamang ang maaaring dumalo sa nasabing mass wedding dahil sa ipinapatupad na COVID-19 health protocols.

Ang mass wedding na suportado ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay isasagawa sa loob ng Municipal Auditorium na pamumunuan ni Mayor Pepito Balgos.(MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments