Tagalog News: Pagbiyahe ng baboy palabas ng Romblon, bawal sa loob ng 6 buwan

Ayon sa executive order, ito ay para matugunan ang demand ng pork at live hogs sa probinsya at maregulate ang presyo ng karneng baboy sa kabila ng pagtaas ng demand nito.

ODIONGAN, Romblon, Peb. 2 (PIA) -- Nagpalabas noong Pebrero 1 ng executive order si Governor Jose Riano na nagbabawal sa pagbiyahe ng mga live hogs palabas ng probinsya ng Romblon.

Ayon sa executive order, ito ay para matugunan ang demand ng pork at live hogs sa probinsya at maregulate ang presyo ng karneng baboy sa kabila ng pagtaas ng demand nito.

Sinabi rin sa executive order na nakaapekto ang pagtitigil sa importation ng live hogs mula sa ibang probinsya dahil sa African Swine Fever (ASF) kung bakit nagkaroon ng kakulangan ng supply ng baboy sa probinsya.

Magtatagal ang ban ng loob anim na buwan simula kahapon.

Samantala, ang mga may breeder farms na accredited naman ng Bureau of Animal Industry, papayagan pa rin mag-biyahe ng mga breeder pigs mula Romblon patungo sa ibang bahagi ng bansa basta dadaan sa Provincial Veterinarian Office.

Maalalang nauna nang nagpalabas ng kaparehong executive order ang bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island, Romblon kung saan, kabilang sa mga bawal ibiyahe paalis ng kanilang bayan ang karne ng baboy, mga isda at iba pang produkto mula sa dagat. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments