‘Libreng Sakay Para kay Juana’ sa LRT-2

PASIG CITY, Marso 6 (PIA) -- Kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Day, handog ng LRT-2 ang ‘Libreng Sakay Para Kay Juana’ sa darating na Lunes, Marso 8, 2021.

Ang libreng sakay para sa lahat ng mga kababaihang pasahero ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Juana Laban sa Pandemya: Kaya!”

Paalala pa rin ng LRT-2 na patuloy na sumunod sa mga itinakdang minimum health protocols habang nasa mga istasyon at loob ng tren upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Tuwing ika-8 ng Marso ipinagdiriwang ang International Women’s Day kung saan kinikilala ang mga natatanging kontribusyon at karangalang nakamit ng mga kababaihan sa iba't ibang larangan at pakikipag-ugnayan.

Ang selebrasyon ay pinangungunahan ng Philippine Commission on Women (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments