Tagalog News: Mahigit 11,000 nabakunahan na kontra COVID-19 sa Pasig City

Pasig PIO photo

LUNGSOD PASIG, Marso 31 (PIA) -- Mahigit 11,000 na ang nabakunahan na sa Pasig City.

Sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang bilang ng mga nabigyan na ng unang dose ng bakuna.

Nasa 11,262 indibidwal na po ang nabigyan natin ng unang dose ng Bakuna (as of March 30, 2021). Alinsunod sa DOH Prioritization Guidelines, inuuna po natin ang mga exposed na exposed sa covid: hospital workers, private health care professionals, non-medical covid responders, atbp.”

Idinagdag ni Mayor Sotto na nakapag generate na rin ang pamahalaang lungsod ng unang listahan ng may comorbidities mula sa Pasig Health Monitor na aniya, ay kasalukuyang binabakunahan na rin.

Patuloy rin ang profiling sa iba pang sector.

Tuloy-tuloy pa rin ang profiling natin para sa ibang mga sektor. Dahil hindi po lahat ay may internet, may efforts din tayo na gamit ang TELEPONO at HOUSE-TO-HOUSE.”

Hinikayat din ng pamahalaang lungsod ang mga residente na may access sa internet na maaaring gumawa o mag update ng Profile sa pagbisita sa mga sumusunod na links:

        Senior citizens: www.bit.ly/Profiling_SC

        Persons with disability: www.bit.ly/Profiling_PWD

Gayundin, paalala sa mga private healthcare professionals na hindi pa nabakunahan ay maaari pang humabol at magparehistro sa http://bit.ly/PrivateHCWlist. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments