LUNGSOD PASIG, Abril 5 (PIA) -- Muling pinaalalahanan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga residente ng lungsod na magpapabakuna kontra COVID-19 na bawal ang "walk-ins."
“NO WALK-INS. Delikado kung dadagsain natin ang venue. Kokontakin po tayo ng isang profiler para sa schedule,” ani Mayor Sotto sa kaniyang Facebook Page.
Dagdag pa ni Sotto, patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga kabilang sa priority groups.
“Let's be patient. Gagawin ng Vaccination Task Force ang lahat ng makakaya nito, pero tandaan nating hindi pa ganun karami ang supplies ng bakuna sa bansa natin..”
Samantala, magpapatuloy naman ngayong araw ang pagbabakuna sa mahigit 1,000 senior citizens na naka schedule para mabakunahan.
Paalala rin ni Mayor Vico na patuloy na sumubaybay sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office (PIO) para sa mga paalala at updates:
https://www.facebook.com/PasigPIO
Kaugnay nito, paalala ng Pasig PIO, makatatanggap ng text message mula sa lokal na pamahalaan ang mga makakabilang sa vaccine rollout.
"Walk-in is prohibited. Only those who received SMS advisory containing schedule and venue will be vaccinated."
Kailangan din magdala ng mga sumusunod sa pagpunta sa vaccination site: PasigPass QR code, valid ID, at ballpen.
"For those who have updated Pasig Health Monitor via profiler (phone call or onsite updating) or online, please wait for the text message with the schedule and venue of vaccination. Reminder the vaccination schedule depends on the vaccine supply from DOH." (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments