QUEZON CITY, Abril 30 (PIA) – Namahagi ng mga food packs at health kits ang mga kawani ng Eastern Police District (EPD) bilang ayuda sa 1,300 pamilya.
Ayon sa EPD, ang mga food packs at health kits ay ibinahagi sa mga piling barangay sa nasasakupan nito, lalo sa mga lugar na mas marami ang nangangailangan ng tulong.
Layunin ng gawaing ito na pag-ibayuhin ang Bayanihan spirit lalo na ngayong panahon ng pandemya, at upang mahikayat pa ang ibang mamamayan na tumulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
"Maliban sa pinaigting na Anti-Criminality Operations, Peace and Order at iba pang regular na trabaho ng kapulisan, ang EPD ay patuloy na makikiisa lalo na sa pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan upang makatulong kahit sa kaunting paraan,” pahayag ni EPD District Director Police Brigadier General Matthew P. Baccay.
Ang mga ipapamahagi na ayuda ay naglalaman ng limang kilong bigas per pack, groceries, facemask at faceshield. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments