Feature: Paano nakatutulong ang Service Contracting Program ng gobyerno sa mga tradisyunal na jeepney driver?

Caption

Ngayong panahon ng pandemya, paano nga ba nakatulong kay Marlon Navarro, drayber ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), isa sa libu-libong drayber na nakatanggap ng initial payout mula sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)?

Layunin ng programa matulungan katulad ni Marlon Navarro na magkaroon ng karagdagang kita sa kanikanilang biyahe na halos katumbas ng kanilang kinikita bago ang new normal.

Ipinagbibigay alam din ng LTFRB na ang mga onboarded PUV drivers hanggang ika-30 ng Abril 2021 sa programa ay makakatanggap ng one-time incentive na P25,000.

Kung ang PUV driver naman ay mao-onboard mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021, P20,000 ang kanyang matatanggap na one-time incentive.

Bukod pa rito, maaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang mga PUV drivers na kasali sa programa kung sila ay maglolog-in sa Systems App nang limang (5) beses sa loob ng isang linggo.

Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga operator at driver para sa ating mga commuter!

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. (PIA NCR)

Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments