Libreng online training sa meat processing, isasagawa ng TESDA-NCR

PIA file photo

PASIG CITY, Mayo 11 (PIA) -- Sa darating na Biyernes, ika-14 ng Mayo, pangununahan ng Technical Education and Skills Development Authority National Capital Region (TESDA-NCR) ang isang libreng online training tungkol sa meat processing. 

Sa pamamagitan ng MuntiParLasTaPat (Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Pateros) at District Training and Assessment Center (MDTAC), ang libreng online training sa meat processing ay gaganapin sa mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng hapon.

Para sa mga interesado, pumunta lamang sa link na ito at mag register/enroll: 

https://forms.gle/YDMdv6M5ubfE1ZTv7.

Ang meat processing ay pamamaraan upang maihanda ang karne para sa pagkain ng tao.

Ginagamit din ito para mapatagal ang expiration ng karne at maiwasan ang agarang pagkasira nito.

Bukod pa rito, binibigyang pagkakataon din ng meat processing na mas mapataas ang value ng karne at maibenta ito sa mas mahal na halaga.

Magugunitang ang TESDA-NCR ay patuloy sa pagbibigay ng mga livelihood at skills training program sa gitna ng mga hamon dala ng COVID-19. (PIA NCR)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments