Tagalog News: 38.46M proyekto, iginawad ng DPWH-Palawan 3rd DEO ngayong Abril

DPWH Building
Apat na proyektong pang-imprastruktura ang itatayo sa Puerto Princesa matapos na mai-award ang mga ito ng DPWH-3rd District Engineeting Office nito lamang buwan ng Abril. Nagkakahalaga ito ng P38.46M. (Larawan ni Michael C. Escoste/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 11 (PIA) -- Umabot sa P38.46 milyon ang halaga ng proyektong pang-imprastraktura ang nai-gawad na ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Palawan 3rd District Engineering Office para sa buwan ng Abril.

Binubuo ito ng apat na proyekto na pasisimulan na sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang mga ito ay ang P6.22 milyon na konstruksiyon ng Disaster Risk Reduction Unit (DRRU) Admin/Warehouse Building sa Antonio Bautista Air Base (ABAB); ang P12.59 milyon na konstruksiyon ng ABAB Earth Covered Magazine Building (Igloo); P11.17 milyon para sa kontruksiyon ng footbridge sa Bgy. San Miguel; at ang P8.48 milyon na Multi-purpose Building (laboratory) sa Bgy. Irawan.

Ayon kay Engr. Arthur Turillo, Chairman ng Bids and Awards Committee at tumatayong Information Officer ng DPWH-Palawan 3rd DEO, ang dalawang proyekto sa ABAB ay pinondohan ng Department of National Defense (DND) at ang dalawa pa ay mula naman sa regular infra program ng Kagawaran.

Ang konstruksiyon naman ng footbridge o overpass ay itatayo sa lugar na malapit sa paaralan sa Bgy. San Miguel, upang hindi mahirapan tumawid sa kalsada ang mga estudyante at maiwas sila sa aksidente.

Samantala, 15 proyektong pang-imprastruktura naman ang nai-gawad ng DPWH 3rd DEO noong Marso na may total amount of contract awarded na P335.25 milyon. Karamihan sa mga ito ay mula sa Local Infrastructure Project (LIP) Fund ng mga Kongresista, ayon pa kay Engr. Torillo. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments