
LUNGSOD PARAÑAQUE, Hunyo 2 (PIA) -- Kasado na ang pamamahagi ng ikalawang dosis ng Oxford Astrazeneca vaccine sa Vista Mall Mega Vaccination Hub sa Huwebes, ika-3 ng Hunyo.
Sa abiso ng TRACE Taguig Facebook Page, para sa mga tatanggap ng ikalawang dose ng Astrazeneca, pumunta lamang sa Vista Mall Mega Vaccination Hub sa araw na nakasaad sa vaccination card anumang oras mula 8 a.m. hanggang 4 p.m.
"Ikaw ay makakatanggap ng text reminder mula sa TAGUIGINFO," paalala ng TRACE Taguig o ang Taguig Registry for Access and Citizen Engagement.
"Huwag kalimutang dalhin ang iyong vaccination card sa araw ng iyong pagbabakuna," dagdag pa nito.
Ayon naman kay Mayor Lino Cayetano, "Taguigeños are highly encouraged to get their vaccines and vaccination schedule through Taguig TRACE as it made more accessible to the public via online registration at www.trace.taguig.gov.ph, door to door , and through the registration kiosks in each barangay."
"To date we are vaccinating A1- medical frontliners, A2- senior citizens, and A3- persons with medical conditions. Let us urge these people to register and get vaccinated, since they are the most vulnerable against the virus," dagdag ni Mayor Lino, "A4 sector or frontline personnel in essential sectors are encouraged to register to TRACE as early as now."
Para sa mga katanungan, maaaring magpadala ng e-mail sa Taguig Vaccination Call Center sa covidvaccine@taguiginfo.com o tumawag sa bagong Vaccination Hotlines araw-araw mula 6 a.m. hanggang 10 p.m.
Ang Taguig COVID-19 Hotline ay patuloy na naglalayong harapin at sagutin ang mga katanungan at concerns ng mga taga-Taguig tungkol sa COVID-19, maaaring tawagan ang mga sumusunod na numero:
Telephone: 8-789-3200
Mobile: 0966-419-4510
(PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments