LUNGSOD QUEZON, Hunyo 2 (PIA) -- Muling nagpaabot ng pasasalamat si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga medical frontliners sa kanilang patuloy na pagharap sa mga hamon dulot ng sakit na COVID-19.
Ayon kay Mayor Teodoro, pinapahalagahan ng pamahalaang lungsod ang kanilang dedikasyon at pagsisikap para sa kapakanan ng lahat ng mga taga lungsod.
Aniya, kinikilala rin ng lokal na pamahalaan ang sakripisyo ng mga medical at healthcare frontline workers na isinantabi ang personal na kaligtasan upang mapagserbisyuhan ang mga residente ng Marikina.
Kaugnay nito, nilagdaan din kamakailan ni Mayor Marcy ang appointment papers ng mga karagdagang doktor at nurses na makatutulong sa vaccination program ng lungsod.
Batay sa talaan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina, nitong nakaraang Mayo 26, ang lungsod ay may 187 aktibong kaso ng COVID-19. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments