LUNGSOD PASIG, Agosto 24 (PIA) -- Naglabas ng patnubay ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ukol sa mga requirements para sa aplikasyon ng travel authority.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga paalala ito ay upang mapabilis ang pag-verify at pag-issue ng travel authority sa mga locally stranded individuals (LSIs) na nasa siyudad.
Ayon sa Pasig City, narito ang ilang mga paalala:
· Ibigay ang kumpletong address ng pupuntahan. (Halimbawa: 1234 Agono St., Brgy. Pilar, San Felipe, Nueva Vizcaya)
· Siguraduhing tama ang ibibigay na cellphone number.
· Iwasang magpalit ng sasakyan na gagamitin kumpara sa inilagay pag-request ng Travel Authority.
· Lahat ng bibyahe ay kailangan magbigay ng valid ID. Para sa driver, kailangan ang Driver’s License.
Paalala rin ng pamahalaang lungsod na patuloy pa rin ang pag-proseso ng mga Travel Authority online. Hinihikayat din ng pamahalaang lungsod na mag-apply online kung may koneksyon sa internet. At upang mapablis ang pagproseso ng Travel Authority, siguraduhin na:
· Kumpleto ang mga ipapasang dokumento.
· Ibigay ang kumpletong address ng pupuntahan. (Halimbawa: 1234 Agono St., Brgy. Pilar, San Felipe, Nueva Vizcaya)
· Siguraduhing tama ang ibibigay na cellphone number.
· Iwasang magpalit ng sasakyan na gagamitin kumpara sa inilagay pag-request ng Travel Authority.
· Lahat ng bibyahe ay kailangan magbigay ng kopya ng valid ID.
Para naman sa mga walang access sa Internet, maaaring magpunta sa Quadrangle sa labas ng City Hall para sa pagpapasa ng requirements.
Upang mapablis ang pagproseso ng Travel Authority, siguraduhin na:
· Kumpleto ang mga ipapasang dokumento para hindi na kailangang magpabalik balik sa City Hall.
· Ibigay ang kumpletong address ng pupuntahan. (Halimbawa: 1234 Agono St., Brgy. Pilar, San Felipe, Nueva Vizcaya)
· Siguraduhing tama ang ibibigay na cellphone number.
· Iwasang magpalit ng sasakyan na gagamitin kumpara sa inilagay pag-request ng Travel Authority.
· Lahat ng bibyahe ay kailangan magbigay ng kopya ng valid ID.
Ang mga requirements na itinakda ng pamahalaang lungsod ay nagsimula noong Agosto 20, 2020 matapos muling mailagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments