LUNGSOD PASIG, Set. 20 (PIA) -- Nakatanggap kamakailan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng donasyong alcohol mula sa Chinese Filipino Business Club, Inc.
Malugod na tinanggap ni MMDA Chair Danilo Lim ang 400 gallons ng alcohol sa isang simpleng seremonya sa kanilang tanggapan sa Lungsod Makati.
Gayundin, nakatanggap ang MMDA ng donasyon ng mga food supplement mula sa Manila Divisoria Lions Club.
Nagpasalamat si Lim sa mga grupo sa kanilang patuloy na pagbibigay suporta sa ahensya para sa patuloy na COVID-19 response efforts ng MMDA.
Magugunitang ang Chinese Filipino Business Club, Inc., na itinatag noong Enero 1998, ay isa sa mga kilalang non-profit organization sa Filipino-Chinese community na may tinatayang 400 na miyembro sa buong bansa. Kabilang ang mga kasapi sa sektor ng finance, manufacturing, real estate development, travel and tourism, fuel, chemical, hardware, construction, banking at iba pang tanyag na sektor sa Sino-Philippine community.
Sa kabilang banda, ang Manila Divisoria Lions Club naman ay grupong patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad at sinalanta ng mga kalamidad. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments