Dahon ng saging, ginawang face shield ng isang lolo dahil walang pambili


Dahil sa hirap ng buhay, hindi na magawang unahin ng mga kapuspalad ang bumili ng proteksyon para sa kanilang mga sarili sa panahon ng pandemya. Kaya naman imbes na bumili pa sila ng mga face mask at face shield ay inuuna na lamang nila ang kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain para maitawid ang gutom sa araw-araw.


Isa na dito ang lolo mula sa Cauayan, Isabela.


Kumurot sa puso ng marami ang mga larawan ng isang lolo sa Cauayan City. Makikita kasi ang kaawa-awang sitwasyon ng matanda na ginawang face shield ang dahon ng saging bilang kanyang proteksyon laban sa lumalaganap na sakit.

Ayon sa ulat mula sa ABS-CBN, isang pulis mismo sa Isabela ang nakakita sa matanda habang suot nito ang 'makeshift' face shield.


'Nang tanungin nila ang residente, sinabi nitong wala siyang pambili ng face shield kaya gumamit na lang ng dahon', dagdag pa ng nasabing ulat.


Bunsod nito, nagmagandang loob ang pulis na kinilalang si PSSg Mark Anthony Ramirez na bigyan ng face mask ang lalaki para matiyak na may sapat na proteksyon ito laban sa sakit.

Lubos namang umantig sa puso ng mga netizen ang naturang mga larawan.


Narito ang ilan sa komento ng mga netizen:






Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments