Contact tracers ng Pasig nadagdagan ng 130 

LUNGSOD PASIG, Okt. 17 (PIA) -- May 130 nadagdag sa bilang ng COVID-19 contact tracers ng lungsod ng Pasig, dahil dito,  pinasalamatan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga bagong contact tracers na tutulong upang matukoy ang mga nakasalamuha ng mga COVId positives sa lungsod.

File photo. 

Sa kaniyang Facebook page, ipinaabot ni Mayor Sotto ang kaniyang pasasalamat.

Thank you to the Department of the Interior and Local Government (DILG) for 130 new contact tracers for Pasig City! As Secretary Eduardo Año said, this "will greatly amplify our COVID-19 efforts and further decrease our daily cases," ani Sotto.

Nitong Setyembre, sinimulan ng DILG ang pag-hire ng karagdagang 50,000 contact tracers bilang isa sa COVID-19 response ng bansa sa ilalim ng Bayanihan 2.

Samantala, ibinahagi naman ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya sa Public Briefing nitong Sabado, ay malapit ng maabot ang target na karagdagang 50,000 contact tracers. Aniya, umabot na sa 35,345 ang na-hire at 27,879 sa mga ito ang na-train at nai-deploy na rin sa iba’t ibang LGUs sa buong bansa. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments