LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 1 (PIA) – May 4,000 traditional Public Utility Jeepneys ang papayagan ng makabiyahe, sa karagdagang 35 karagdang ruta sa Metro Manila na bubuksan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) simula Lunes, Nobyembre 2, 2020.
Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 2020-068, bubuksan ng LTFRB, nasa 3,936 PUJs ang nakatakdang pumasada sa mga rutang ito simula bukas sa mga sumusunod na ruta:
T177 Amparo - Novaliches
T178 Bagong Barrio - G De Jesus/EDSA
T179 Bagong Silang - SM Fairview
T180 Bagong Silang - SM Fairview via Zabarte Rd
T266 Afp/Pnp(Taguig) - Guadalupe (Abc) via M. Asun
T267 Bicutan(Taguig) - Pasig(TP) via Pateros
T268 Crame (Sunrise Subd) - Cubao via Murphy
T269 Cubao - Bagumbayan via Libis
T270 Cubao - Libis Via Murphy
T271 Cubao - Parang Via 20th Ave., P. Tuazon
T272 Cubao - Rosario (Pasig) To Sta Lucia (Pasig)
T273 Cubao - Rosario(Pasig) via Santolan
T274 Cubao - Silangan(San Mateo) via Marikina
T275 Cubao - Silangan(San Mateo) via Woodland
T3171 Baclaran - Blum via SM Mall of Asia, Taft Ave., Quiapo
T3172 Baclaran - Blumentritt via L. Guinto
T3173 Baclaran - Dapitan via Taft Ave., SM Mall of Asia
T3174 Baclaran - Divisoria via Taft Ave.
T3175 Bacood - Quiapo (Barbosa) via R. Magsaysay
T3176 BBB/Tullahan Village - Sta. Cruz via F. Huertas
T3177 Blumentritt - PUC via Baesa
T3178 Boni/Pinatubo - Kalentong/JRC
T3179 Cor. Ortigas Ave./Wilson St. - Mabini/All SJ
T428 Alabang - Baclaran via B. Aquino, SSH
T429 Alabang - Baclaran via Coastal Rd.
T430 Alabang - Baclaran via Imelda, SSH
T431 Alabang - Baclaran via San Dionisio Zapote
T432 Alabang - San Joaquin via Bicutan
T433 Alabang - Sucat via Cupang
T434 Almanza (Las Piñas) - Baclaran
T435 Baclaran - Sucat via Tambo
T436 Baclaran - Sucat/SSH via B. Aquino Ave.
T437 Baclaran - Sucat/SSH via Imelda Ave.
T438 Baclaran - Sucat/SSH via Quirino Ave.
T439 Centennial Terminal - SM Mall Of Asia
Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).
Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipinagutos ito ng LTFRB.
Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).
Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga operator at driver ng TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lumabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.
Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 371
Bilang ng authorized units: 33,163
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 4,499
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 387
5. UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 118
Bilang ng authorized units: 6,755
6. TAXI
Bilang ng authorized units: 20,964
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,068
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 14
Bilang ng authorized units: 305
9. MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40 (LTFRB/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments