Tagalog News: Batangas City, hinirang na World's Most Loved City 2020

LUNGSOD NG BATANGAS, Nob 1 (PIA) --Tinanghal na World’s Most Loved City 2020 ang lungsod ng Batangas sa We Love Cities (WLC) campaign ng World Wide Fund (WWF).
 
Isinagawa ang announcement ng mga nanalo sa pamamagitan ng virtual ceremony noong October 30.
 
Ang Batangas City ang national winner sa One Planet City Challenge (OPCC) ng WWF kaya’t ito din ang entry ng Pilipinas sa Search for Most Loved and Sustainable City in the World.
 
May 54 lungsod mula sa 26 mga bansa ang lumahok sa We Love Cities campaign ngayong taon.
 
Ang WLC ay isang public engagement platform na nag-aanyaya sa mga residente ng mga lungsod na iboto ang kanilang lungsod, ibahagi ang mga bagay na gusto nila dito at magbigay ng suhestiyon upang mas lalo mapaigi pa ito.
 
Kamakailan ay nanawagan si Mayor Beverley Rose Dimacuha upang suportahan ng mga Batangueno sa pamamagitan ng pag-like, share at comment ng #WeLoveBatangasCityPH post sa Palakat FB page, Tweeter at Instagram dahil kinikilala niya ang husay at impluwensya ng mga ito sa social media.
 
“ Over 1,170,000 votes were submitted in total. But ONE city received an extra-large dose of love from its citizens,” ayon sa WWF.
 
Isang pagpapatunay ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Batangueno na kayang kaya basta't sama-sama sa pagkamit ng anumang hangarin.
 
“The Mayor played an active role in the social media and the winner had an overwhelming Facebook activity ,” pagdidiin ni Barbara Evaeus, Senior Manager Climate Communications ng WWF Sweden.
 
Aniya pa, matagumpay ang naturang kampanya sa kabila ng pandemya at naging daan ito upang magkaroon ng awareness at interes ang mga mamamayan sa layuning gawing sustainable ang kani-kanilang lungsod.
 
Kaugnay nito nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Mayor Dimacuha at ang City Environment and Natural Resources Office (ENRO) na siyang lead agency na katuwang ng WWF sa naturang patimpalak sa tulong at suportang ipinagkaloob ng mga mamamayang Batangueno. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments