LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 1 (PIA) –Inanunsiyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayon Linggo, Nobyembre 1, 2020, na sarado ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa ng lungsod, simula bukas, ika-2 ng Nobyembre, dahil sa inaasahang magiging epekto ng Bagyong Rolly.
Ang mga pansamantalang isasaradong testing centers ay ang mga sumusunod:
Walk-in Testing Centers:
—Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
—Ospital ng Tondo
—Justice Jose Abad Santos General Hospital
—Ospital ng Sampaloc
—Ospital ng Maynila
Drive-Thru Testing Center:
—Quirino Grandstand
Ayon sa Manila Health Department (MHD), ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente na dadayo pa sa mga testing center habang humahagupit ang Bagyong Rolly.
Ngunit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng libreng swab testing para sa mga market vendors, hotel emoyees, mall workers at public transport drivers sa Lungsod ng Maynila. Sa ilalim ng programang ito, mismong MHD medical teams ang pumupunta sa mga pasyente para kuhanan sila ng swab samples.
Paalala rin ng MHD sa publiko na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa kanilang anunsyo hinggil sa muling pagbubukas ng serology testing centers sa Maynila. (MPIO/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments