PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 5 (PIA) -- Isinagawa ng Department of Agriculture (DA)-Mimaropa ang isang oryentasyon ukol sa implementasyon ng mga panuntunan para sa Rice Resiliency Program (RRP)-2.
Ito ay ginanap sa Narra, Palawan kung saan kabilang rito ang lahat ng mga munisipyo sa Southern Palawan.
Layon ng aktibidad na ito na ipaliwanag sa mga magsasaka at mga accredited fertilizer distributor, dealer, retailer ang mga importanteng detalye tungkol sa Fertilizer Component ng RRP-2.
Sa paliwanang ng DA-Mimaropa, ang RRP-2 ay hindi katulad ng RRP-1 dahil sa pamamagitan ng RRP-2, ang fertilizer o abono na ipapamigay ay wala nang hihinging counterpart mula sa mga magsasaka at hindi na ito reimbursement scheme.
Sa nasabing programa ang mga magsasaka ay makakatanggap na ng voucher na nagkakahalagang P2,000 kada ektarya kung ang binhing ginamit ay inbred, at P3,000 naman kada ektarya kung hybrid.
Magagamit lamang ng mga magsasaka ang kanilang voucher subsidy sa mga accredited fertilizer dealer, distributor, at kooperatiba at samahan ng mga magsasaka. (OCJ/PIA-Mimaropa)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments