LUNGSOD PASIG, Mayo 14 (PIA) -- Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development National Capital Region (DSWD NCR) at Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang pamamahagi ng family food packs para sa mga taga lungsod.
Katuwang ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, ang 5,000 piraso ng family food pack ay ipinamahagi sa mga residente ng lungsod.
Ang ayuda ay para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan nang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus dulot ng pandemyang COVID-19.
Ayon sa DSWD NCR, sinisiguro ng kagawaran na ang sambayanang Pilipino ay makakaasa sa patuloy na paghahatid nito ng maagap at mapagkalingang serbisyo lalo’t higit sa panahong ito ng pandemya.
Nagpasalamat din si Teodoro sa DSWD NCR sa ayudang ipinamahagi sa mga residente ng lungsod. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments