Pamamahagi ng tulong pinansyal ng Taguig LGU, sinimulan na

Sinimulan noong April 30, 2020 ang pamamahagi ng TAP sa Baragay San Miguel (Photo courtesy of Taguig PIO)

LUNGSOD PARANAQUE, Mayo 1 (PIA) -- Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng Php 4,000 tulong pinansyal sa mga residente ng lungsod na  hindi nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare & Development (DSWD). 

Mahigit 900 na residente ng Barangay San Miguel ang nakatanggap ng ayuda sa unang araw ng implementasyon sa ilaim ng Taguig Amelioration Program (TAP) noong Huwebes, Abril 30, 2020. 

Mayroong 100,000 na pamilya sa Taguig ang hindi nabigyan ng ayuda sa  ilalim ng programa ng DSWD SAP kaya't minabuti ng lokal na pamahalaan na magbigay karagang tulog upang mabiyayaan ang lahat ng mga residenteng nangangailangan ng tulong sa panahon ng  dinaranas na krisis na dala ng COVID-19.

Umiikot ang mga kawani ng pamahalaang lokal sa bawat barangay upang maipamahagi ang TAP, subalit pinapayuhan din ang mga residente ng lungsod na hintayin ang anunsiyo mula sa kani kanilang barangay para sa eksaktong araw,  lugar, at proseso ng pamimigay. 

Bibigyan ng prayoridad ang mga pamilyang nakatala sa Taguig City Integrated Survey System (TCISS), ang wala sa listahan ay bibigyan ng form sa mismong araw ng pamamahagi sa barangay. 

Ayon sa lokal ng pamahalaan, inaasahan nito na maipamahagi ang ayuda sa lahat ng mga benepisyaryo ng hindi lalagpas sa Mayo 15, 2020, ang tinakdang araw na pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila. (PIA-NCR) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments